Sa Aking Puso

Ariel Rivera 2008

Uulit-ulitin ko sa `yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa `yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago

Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Sa `king puso'y tunay kang nag-iisa

`Di ko nais na mawalay ka
Kahit sandali sa aking piling
Kahit buksan pa ang dibdib ko
Matatagpua'y larawan mo

Kahit buksan pa ang dibdib ko
Matatagpua'y larawan mo