Sana Kahit Minsan

Ariel Rivera 2007

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa aki'y aliw at tila ba ito'y hulog pa ng langit

Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay di pala tunay at
nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sayo

Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay di pala tunay at
nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo

Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko'y ang yong pagmamahal
Sana'y sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko

Sana ay mapansin ako, malaman mong kita'y mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sayo'y tunay
Sayo'y tunay
Sayo'y tunay

Sana kahit minsan... minsan
Sana kahit minsan...
Sana kahit minsan...