Текстов песен в базе: 1 276 951
Hanggang Dito Na Lang

Hanggang Dito Na Lang

Jaya

'Di ko alam kung tama ba ito
Lilisan ako upang maintindihan ko
Ang puwang sa puso’t isipan
Kailangang gawin ngunit masasaktan
Iiwasan ko landas nating pinagdaanan
Pipilitin kong kalimutan ka
Hanggang dito na lang
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito’y balewala sapagkat ako’y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hanggang dito na lang
Sabi mo sa akin ako’y iyong mahal
Ako’y hindi iiwan, magsasama habang buhay
Anong nangyari sayo’ng pangako
Na aking pinaniwalaan, tamis ng kahapon
'Di maintindihan sakit na nararamdaman
Pipilitin kong kalimutan ka
Hanggang dito na lang
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito’y balewala sapagkat ako’y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hanggang dito na lang
Malaya ka na
Sayo’y paalam na
Kahit masaktan man ako
Hanggang dito na lamang ito oh woah hoh
Hanggang dito na lang
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito’y balewala sapagkat ako’y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hanggang dito na lang

Вопросы про песню

Задать вопрос Всего: 0


Тексты других песен исполнителя

© 2017–2024 textach.ru